My Freshly Baked Superhero


I have drawn her in high school, and I’m publishing this now in response to my mom’s craving.
Ma: Sana may decoration na rin tayo sa labas ng bahay para ramdam na ang spirit of Christmas.
Me: Ma, nakalimutan mo na bang ang spirit of Christmas ay nasa puso ng bawat tao?
Ma: Pa’no kung walang puso?

Pangalan: Labi-Doobs

Anyo: Pusong naglalakad, may ngiting nagbibigay sigla’t tuwa sa mga malalapitan at nag-aabot ng dalawang palad sa mga nangangailangan. May malalaking mata upang makita ang kaibuturan ng mga bagay. May kyut na anyo at palakaibigan.

Layunin: Mapawi ang galit sa puso ninuman, magtanim ng wagas na pag-ibig at pagkakaisa, maiwaksi ang mga ‘di-pagkakaunawaan. Sa pamamagitan niya, magagapi ang terorismo.

Kapangyarihan:
Ø Lumutang anumang oras naisin
Ø Mabilisang makapang-akit at makapanghikayat na masarap ang magmahal kaysa magalit
Ø Agad na makasagap ng mga signal buhat sa mga pusong naghihinagpis
Ø Mabilis na makalipat ng lugar
Ø Kapangyarihang tumunaw ng mga bala sa mga lugar ng digmaan
Ø Kayang gawing bading ang mga kalalakihang masyadong marahas

Sandata: magical wand, alindog, mahabang pilikmata

Kasaysayan: Sinubok na alisan ng pag-ibig, subalit patuloy na kumakapit dahil alam niyang magiging maligaya siya basta’t magtiwala lang. Piniling maghasik ng pagmamahal sa sanlibutan.

Popular Posts