Ang Misteryo ng Dual Sim

Ayon sa isang reliable source na itatago natin sa pangalang "Chi", ang mga nagdu-dual SIM ay 'yung mga taong may itinatago. Sila ang mga nagtitext ng:

1. Hi.
2. Eto na bagong roaming number ko.
3. You won in our electronic raffle. DTI-NCR Permit...

Ibinahagi niya ang isa pang interesanteng halimbawa: May kilala siyang bukod sa dual SIM ay may nakasingit pang ikatlong SIM sa baterya. Naisip tuloy namin, bakit walang Triple o Quad SIM kung mayroon naman nang Quad Core?

May teorya pa siya. Ang mga taong naka-dual SIM ay mayroon ding iba't ibang account names sa Facebook. At siyempre pa, iba-iba rin ang katauhan.

Minumuni-muni ko naman kung ito rin ba ang mga mahilig makipag-eyeball. O kaya nama'y sumasama ang loob kapag nag-follow sila sa Twitter pero 'di ka nag-follow back. Ehem, Chi? Haha.

Popular Posts