Basketball: Mga Tanong na Bumabagabag

Ilang dekada ko na ring dala-dala ang tanong na ito: Bakit nga ba may mga nagdi-dribble at shoot ng bola sa kawalan? Narito ang ilang mga halimbawa:

1. Sa elementary class, habang nakikinig lahat sa guro, may kaklase akong nag-free throw sa imaginary ring.

2. Noong hayskul, may mga lalakeng naglalakad sa corridor at bigla na lang magdi-dribble, pilit ilalayo sa kalaban (imaginary) ang bola, sabay shoot. Ikaw pa mismo ang mahihiyang dumaan at baka matamaan ka nila. Hindi rin naman sila nakasuot ng P.E. uniform. Ito 'yung tipong katatapos lang ng lunch at naghihintay kaming pabalikin sa classroom.

3. Nung nagtrabaho na ako, meron ding kahit supervisors na ay nagfi-free throw pa rin. Minsan habang nakaharap sa laptop nila o kahit habang may kausap.

Marahil nasaksihan mo rin ito sa paaralan, opisina, o sa inyong barangay. Baka nga ikaw mismo, natamaan dahil ginawa o ginagawa mo ito. Anu-ano nga ba ang benepisyo nito? Nagsisilbi ba itong ensayo para sa mga mahilig sa basketball ngunit walang oras dahil abala na sa pag-aaral o trabaho?


Comments

Popular Posts