Basketball: Mga Tugon sa Katanungang Bumagabag
Nagsalita na ang netizens! Sa pamamagitan ng Facebook, nakalap ko ang opinyon nila sa mahalagang tanong ko kahapon: Bakit nga ba may nagdi-dribble at shoot ng bola sa kawalan?
Para sa marami, isa itong paraan ng stress relief and dealing with pressure:
Sa nakapagtrabaho naman sa call center, ibinahagi ng empleyadong itatago natin sa pangalang "Walt" na ginagawa niya ito habang naka-hold ang customer. Pumipili rin siya ng tamang tiyempo kung kailan ito gagawin:
Habang malalim ang paliwanag ng iba, para sa kanya ay simple lang: "We just wanna have fun." Ipinaalala pa niya ang gawain ng mga bata noon na ishu-shoot ang papel na binilog.
Bukod dito, may mga nagsabi rin patungkol sa sayang dulot ng pagbabasketbol sa imahinasyon. Ito rin daw ang kumakatawan sa mga pangarap ng gumagawa nito:
Tinanong ko rin si sir Buddy na minsan kong nakasama sa pagtuturo sa kolehiyo kung may mga estudyante ba siyang nakitang nagshu-shoot habang nasa klase. Ito ang kanyang tugon:
Pero hindi lahat ay masaya dahil meron ding nauuwi sa trahedya:
Isa itong paalala na dapat mag-ingat ang mga nagbabasketball sa imahinasyon at maging considerate sa mga nasa paligid nila upang makaiwas sa sakuna. Bukod kasi sa mga nakausling pako, posibleng masagi o matamaan nila ang mga inosenteng dumaraan.
Ilan pa sa mga nagbahagi ng kanilang saloobin ang nagsabing isa itong anyo ng pagpapanggap o 'di naman kaya'y pagbati sa mga kaibigan:
Sabi naman ng asawa ko, "Ay, di nyo ba nakikita ang ring?" Malala at may nakikita pa pala talaga siya. Meron pa nga raw nagchicheer na crowd. Haha!
'Yung ibang kaklase nga raw, nang-aagaw pa ng bola o kaya naman ay pipigilan kang maishoot ito. Kaya sana, may referee na pipito kung kailangan.
At nang tanungin ko kung bakit basketball lang at hindi nag-iimagine sa ibang sports, meron din daw sa volleyball. Yung kunwaring nagi-spike. Dagdag pa ng aking hipag, meron din daw nagsi-serve kunwari sa badminton.
Sa aking pagkamangha, nakita ko rin ang asawa kong shini-shake ang ulo niya na parang boksingero at sumuntok-suntok pa. Maya-maya pa'y billiards naman ang trip at may inayos pa sa taco bago tumira.
Comments