‘Pag Katawan Mo Lang Ang Habol Nila

Gumawa ng kuwento ang barkada. Di ko muna sasabihin kung para saan. Basta, sundan mo na lang ang mga pangyayari. May isang lalake na habulin ng babae, pero hindi siya si Mr. Swabe. May classmate, titser, doktora, ladyguard, at stalker na laging sumisingit sa bawat eksena. Lahat sila, nagnanasang paghubarin si lalake. Ang ladyguard, kakapkapan siya and you know what happens next. Ang doktora, mag-iiskedyul ng check-up. Ang titser naman, dahil bumagsak ang estudyante, magtatakda ng make-up exam—physical and oral exam. Sa kamalasan ni pseudo-Mr. Swabe, baka maholdap pa ‘to at makarinig ng “Hubad!” Nagkamali ako ng tanong. Sabi ko, “So may breast exposure siya (referring to a guy na gaganap sa main role)?”

Anong gagawin mo kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Kukwestyunin mo ba kung bakit pa naimbento ang damit?

Comments

Popular Posts