Jeepney Adventures


1. Nagmamadali kang bumaba. Babangga ang noo mo sa pwet ng nauuna sa ‘yo.
2. Napapasandal sa ‘yo ang lalaking natutulog. Kahit anong gawin mong pagsagi, ng balikat man o siko, bumabalik pa rin.
3. Sa ‘di kalayuan, makikita mong may isa pang natutulog na ginagawa namang sandigan ang mamang sa dulo nakaupo. Ang kinalabasan, mukha na silang magsyota. Malas, pareho silang lalake. Distorted pa ang mukha ng nahihimbing.
4. Maririnig mo ang isang pasahero: “Ma, para. Bayad ho.” Mas malala, yung bababa muna at saka lalapit sa driver’s seat.
5. Magbabayad ka pero walang mag-aabot. Paano, lahat patay-malisya at nagpapanggap na abala sa pagtingin sa unahan.
6. Umuurong ang mga pasahero papalayo sa drayber habang saktong dumudukot ka ng pamasahe.
7. Pag-upo mo, magmamadali kang kumuha sa wallet kasi ikaw ang napalapit sa drayber at tiyak, pasa-hero ka nanaman.
8. Pasalamat ka kung hindi ipit ang balikat mo sa kili-kili ng katabi. Pasalamat ka rin at nakasabay ka sa biyaheng UP-SM kahit naka-squat ka sa loob. Wag mag-alala, may papara naman sa Super Sale. Matitikman mo pa rin ang foam.
9. Mapilit ang ibang mga ale. Kahit masikip, isasagad pa rin ang pwet sa sandalan.
10. May sumakay na mataba. Sisigaw pa rin si manong: “Kasya pa, sampuan ho yan!” May sasagot na manang: “Bakit? Pare-pareho ba kami ng pwet?”
11. ‘Di mo pa natatapak ang dalawang paa, umaandar na ang jeep. Nangyari na ‘to sa kin sa city hall sa elliptical road. Resulta, sabit ako at nakatingin sa kin ang mga nagpapasasa sa loob.
12. Sasakay ang dalawang seksi, uusad agad ang jeep at magrereklamo sila: “Ma, sandali lang!” Pagtapak sa preno, lalo silang napahamak. Nasubsob kasi.
13. May magpapasok ng malalaking kahon. Minsan mga siniksik na bayong at magugulat ka dahil may titilaok. Bababa ka? Pupusta ‘kong tatama muna ang tuhod mo sa kisame.
14. May kumakain ng mais na may butter & cheese. Kinakabahan kang tumapon sa pantalon mo.
15. Kumakain ng mani yung isang pasahero. Habang may mantika ang kamay nya, ipapaabot sa ‘yo ang bayad.
16. Nakita mo na ba yung mga sumasabit na ang mga ulo ay nasa loob ng jeep? Masdan kung pa’no sila paulit-ulit na nauuntog. Manhid?
17. May makukulit na bumbilyang nakausli. Lahat tumatama ang bumbunan dun.
18. Pagbaba mo, sasabit ang payong sa strap ng isang bag. Teka, baka modus operandi yan.
19. Nasisiko ka na ng katabing pilit na sinisiksik ang kamay sa masikip na maong.
20. May umaalingasaw sa loob, sinong nakatapak?
21. Sasakay ka. Bababa lahat.

Sa kabila ng ilang kahirapang kaakibat ng pagsakay dito, okey pa rin. Very intimate ang experience sa loob dahil parang isang pamilya lang kayo. Meron pa dyan nangangausap na parang matagal na kayong magkakilala. Ang ilan ay may heart-to-heart talk ukol sa taripa.

Comments

Popular Posts