Cliché Gifts

Pasko? Asahan ang mga sumusunod na nilalaman ng gift boxes:
MUG + CANDLES (scented, dude!) = boredom
Kung ikaw naman ang magreregalo pero short sa budget, bigyan ng: 210 g original pasencia (wheat drop cookies) worth 24.50 pesos OR 210 g La Pacita Pasencia (vanilla drop cookies) worth 27.50. Hiling ko para sa ‘yo? Pagpasensyahan ka nga sana ng monito/(a) mo. At kung butas na talaga ang bulsa, magregalo ka na lang ng jokes na magagamit pa nila. Dalawang halimbawa:
Ø Nakita mo na ba 'yung bahay ni Stevie Wonder? (Pause. Sasabihin ng kausap na hindi pa.) Siya rin, 'di pa niya nakikita. (Key: Seryoso kang mag-deliver ng linya.)
-from Jam
Ø Bakit walang pakpak ang elepante? E kung dapuan ka?!
Kung asensado ka naman, mamudmod ka ng Star margarine, Argentina corned beef, at mayo in jumbo containers. Tiyak na ang isang taong 'di nila paglimot sa 'yong pagkakawanggawa.
Kanina, Christmas Party namin sa UJP kasabay ng apps orientation. May exchange gifts din. Bagaman ang nasa wish list ko ay halaman, kikay umbrella, at cute wrist watch, nakatanggap ako ng Looney Tunes organizer. Tila baga nagsasabing "Ayusin mo ang buhay mo ngayong pasko."
Pagkatapos ng party, pumunta kaming lahat sa UJP tambayan. Dito naikuwento ni Jam ang kagila-gilalas na statement ni orgmate Sam. Nagkakabit daw sila ng banner nang matanggal ang isang letter O. "Nahulog ang titik O," sambit ng lalaki. At mula sa kwentong ito, tinatanong ko na ang sarili kung dapat bang pulutin ang titik O, kung anong magandang kulay ng titik O, at kung mas maganda ba ang malaki kaysa maliit na titik O. Ikaw, anong titik mo?
***
Sa grocery. Dinampot ko ang isang sabong pampaputi. First time kong susubukan ang brand na 'yon. Binasa ko ang nasa packaging:
Ø It helps whiten skin without bleaching while giving you softer, smoother and younger-looking skin.
Ø White-Activ: an advanced Skin Whitening Technology that inhibits melanin formation, the source of skin darkening, to reveal whiter skin.
Ø Moisturizing Complex with Pro-Vit B5 and Vit E: conditions and nourishes skin to maintain optimal skin moisture, keeping it healthy, luxuriously soft and smooth.

Sabi ni mommy, 'di naman totoo ang mga ganitong hirit sa bawat kahon. Ipinagtanggol ko naman ang mga kompanya at sinabi kong: "Kung mambobola lang sila at hindi naman totoo ang lahat ng 'to, mananagot sila sa... (naghahanap ng awtoridad na nakasulat sa kahon pero wala) Dermatologist Tested!"
Binabalakubak ka na ba sa mga sinasabi ko? Madalas ka bang gumamit ng anti-dandruff shampoo? Ingat daw ha. Eto seryoso na. Sabi kasi ng tatay ko may mga kemikal daw sa mga ganitong formula na nakaka-scalp cancer. Dandruff o cancer? Pili ka.

Comments

Popular Posts