Beer

Inilalapit ako ng tadhana sa kanya. Madalas akong makatanggap ng texts na may alcohol content. Tipong "Who says drinking beer makes people fat? It makes them lean... Lean against walls, doors, trees, friends, strangers, lamp-posts..." at "Conserve water. Drink beer." Ang matalik kong kaibigan, humirit ng "Eto ba talagang beer ang gusto ko, o ang pag-ibig mo?" Lakas tama.

Ang ganda pala ng blog entries ko. Pagkatapos ng Pera, mga krimen, Beer naman. Teka nga. Homeworks muna bago bisyo. 'Di dapat uminom kahit walang pasok bukas dahil kay Glenda. Laking pasasalamat ko lang na wala nang nagtitext ngayon ng "Gusto mo bang tumigil ang bagyo? Text GLENDA OFF and send to 2366. May chance ka pang manalo ng kapote at payong!" Kumita na 'yan sa panahon ni Florita. Meron pang ganito noon: Gusto mo bang bumalik uli ang bagyo? Text FLORITA ON and send to 2366. May chance ka pang mawalan ng pasok bukas!

Popular Posts