Anger Management

Kaysa sayangin ang lakas sa pag-iisip kung tama ang mga naging desisyon sa buhay, kaysa magngitngit sa pagsulat ng script, bakit hindi na lang makipagtawanan sa mga ka-opisinang mukhang mangangagat na rin kapag kinalabit?

Balikan ang mga jokes na bagaman luma na, ay hindi mo pa rin mapipigilang tumawa kapag narinig. Lalo na kapag sina Brownie, Bruno, at Beauty ang nag-deliver.

1. Maghiwalay na tayo Beauty! Maghati na tayo ng mga anak. Kukunin ko ang lahat ng guwapo't magaganda.
Beauty: Ay sos! Kinuha pa ang hindi kanya!

2. Pare 1: Balita ko pare may bading daw sa barkadahan natin. Gusto mo bang malaman kung sinO?
Pare 2: Oo naman pare. Sino?
Pare 1: Kiss muna.
(Da bes kung APO Hiking Society ang magde-deliver)

3. Pasyente: Doc, ayokong magpabunot ng ngipin. Takot ako e!
Dentista: Ganun ba? Sige, etong pampatapang. Inumin mo.
Makaraan ang ilang sandali...
Dentista: O, matapang ka na ba?
Pasyente: Oo doc! Sinuman ang gumalaw ng ngipin ko, basag ang bungo niya sa 'kin!

4. Customer: Miss, miss! Bakit may langaw ang lugaw ko?
Miss: Sos! Sa halagang limang piso, anong gusto mo, manok?

At talagang naisingit ko ang blog na 'to kahit pressured na pressured na dito sa opisina. Hala, back to work.

Popular Posts