Puro Porma

Nakapunta ka na ba sa isang restobar kung saan inaasahan mong may tutugtog na subalit puro porma pala? Ganito ang mga gawain ng nagsi-set up:

1. Mic test. 1, 2. 1, 2.
2. Ayan, may pinipihit na sa console.
3. Oops, nagtono muna ng gitara.
4. Nag-switch on na ng ilaw!
5. Nagtaas ng manggas.
6. Umalis muna.
7. Bumalik. Nagbukas ng laptop.
8. Nagkamot ng ulo.
9. Nagkamot ng ilong.
10. Ayan, dumating na ang vocalist at backup singer.

Ayun, nakatugtog na. Kaso puro feedback ang narinig namin.

Popular Posts