Sinong May Gusto ng Maikli?

Tagpo: Namimili si inay ng mga kandila sa grocery.

"Anak, anong gusto mo: Itong maikli o mahaba?"
"Siyempre 'nay, 'yung mahaba. Sino ba naman ang pipili ng maikli? Sa lapis, gusto natin ang mahaba. Sa pasensya, ganoon din."

Kaya naman siya'y napangiti at nagpasya nang ayon sa konsensya.

Pero may mga bagay din namang gusto nating maikli. Gaya na lang ng pila, at mga pagsubok sa eskuwela. Sana maikli rin ang mga pasakit at pagsusungit. Samakatwid, kung negatibo, ninanais nating maging maikli.

Ngayon, gagawin ko munang masaya at produktibo ang napakahabaaaaaaaang weekend.

Popular Posts