APE

Hindi ito tungkol sa theory of evolution. Iisa-isahin natin ang mga bumubuo sa Annual Physical Exam na sa ilang pagkakataon ay iniiwasan, kinatatakutan, o kinaiinisan:
1. History-Taking. Matatakot habang inaalala kung sinong may heart disease, high blood, diabetes o kanser sa pamilya
2. BP, Height and Weight na isinisigaw at nahihiya ka
3. Eye Check. Sa sobrang layo ng kinatatayuan ko, wag ko raw hulaan. May ulo pang haharang.
4. CBC. Parang kagat lang ng lamok!
5. Stool Sample. Wag pilitin. Kung ano lang daw ang kayang ibigay. Wag magmadaling magpasa. Baka ka madapa at matapon pa. Ang mahirap kung kailan kailangan saka ka naman wala sa mood.
6. Physical Check. Wag agad maghubad bago pumasok at magsabi ng "Doc, handa na po ako." Baka tumambad sa 'yo ang mga kakilala na napagtripang tumambay sa likod ng kurtina. Pero kung nakapaghubad na, dumiretso ka na sa mobile X-ray na naka-istasyon sa parking. From x-rated to x-ray!

Last word: Kung lalake, wag pipila sa pap smear.

Popular Posts