Ang Lohikang Walastik


Isa ka sa mga natawa sa balita. 'Yung tungkol sa mga inimprentang isang daang piso kung saan misspelled ang apelyido niya --- naging Arrovo. Tapos, ibinalita rin ang pamamasyal ng kanyang pamilya sa Hong Kong Disneyland. Nakakatawa rin ang panimula ng reporter: "Nagkaroon ng panahon ang pangulo upang pumuslit patungong Disneyland." Pumuslit? Si Arrovo? Nananadya ata kayo.

Samantala, nakatambay lang kami ni Meline sa biblioteca. Nakatulala lang ako sa shelves hanggang sa mapag-initan ko ang mga paskil. Gusto kong takpan ang ibang texts upang ang mga mababasa ay ganire:
Ø Leave your valuables unattended.
Ø This library is not responsible.

May nagtanong kung gumamit na ba 'ko ng kodigo ever. Nahiya siya sa sagot ko. Hindi pa kasi. Pero siya, sanay daw. Sabi ko naman sa kanya, "Bakit ka mahihiya? Hindi ako nangongodigo hindi dahil sa naniniwala akong maling mali 'yan! Takot lang talaga 'ko mahuli. Ayokong pagpawisan. At isa pa, nakakatamad gumawa ng kodigo." Baluktot na pangangatwiran ba? E sa kung kaya niyang panindigan ang pangongodigo e! Kanya-kanyang istilo 'yan. At sa mga guro, talasan kasi ang mga mata. Walang manlalamang kung walang nagpapalamang. (Hehehe... kasalanan pa nila ngayon.)

May dalawa akong new friendships. 'Yung isa, classmate ko sa Spanish. 6'7" ang height kaya ang tanong ko nang minsang magkasabay kami sa jeep, "Madalas ka bang maumpog?" Oo naman daw. Sa first week naming nagkaklase, gusto ko siyang iwasan. Obviously, ayokong tumayo sa tabi niya. Pero heto, seatmates pa kami ngayon at nagkukulitan. Kinukumpara niya ang size ng paa't kamay niya dun sa akin. Akalain mo?!

Ang isa ko pang nakakagaangan ng loob ay si Rafael Cañete. Freshie. Ka-course ko (kaya lang balak niya raw mag-shift dahil nakakatakot ang technicalities... ok lang naman ang console ah! Kaya sana magbago pa isip niya). Pero ang pangalan, parang may-ari ng hacienda. Don Rafael at ang Hacienda Cañete. Tawa kami nang tawa kahapon habang pinag-uusapan ang MBB. Magkaklase kasi kami sa Molecular Biology and Biotechnology. O di ba... sinasabi pa lang, nakakatakot na. Mas matatakot ka 'pag pumasok sa gusali ng institute. May mga lumalabas na nakaputi. Ops ops ops... 'di sila mumu... naka-lab gown lang. Pero nakakatakot pa rin dahil baka may bitbit na streptococcus pneumoniae. Wag ka, baka sila pa ang makatuklas ng lunas sa kanser. Naiimagine ko na silang lumulundag sa tuwa kasama ang gwardya.

Katatapos lang ng quiz namin. May tanong dun tungkol kay Nikolai Vavilov. Ano ba raw ang mga kinolekta niya? Genome, germplasm, o genes. Germplasm ang tamang sagot. Kasi ito 'yung mga bahagi ng iba't ibang halaman na pwedeng itanim. Tubers, seeds, cuttings... gusto ko tuloy magtungo sa hardin at magtipon ng germplasm.

Comments

Popular Posts