Thoughts On All Souls' Day
Naging tradisyon na sa amin ang buong araw na pananatili sa sementeryo tuwing November 1. Dinadalaw namin ang puntod ng kapatid kong babae at doo'y nagpi-picnic din sa damuhan. Dinadala ang cassette na pinagagana ng anim na baterya (ang set na binili noong 2002 ay pinalitan noong 2004... ganyan ang power ng Eveready). Kahapon, apat na beses kong narinig ang "Jumbo Pack." Ano ba ito? Suka't toyo lang naman ay pinahahaba pa ang usapan. Kulang na lang, sumikat pati ringtone nito. Maraming sumagi sa isip ko kahapon kaya minabuti ko na lamang na maging direct to the point at numeruhan ang mga ito:
1. Bakit kaya nakapamewang ang mama? Maluwag at mahuhubo siguro ang pantalon.
2. Natatanaw kong mahaba ang pila sa crematorium. Merong free cremation? Pumila lang po nang maayos? Mila's lechon style ba ang pagsunog? Dahil na rin sa mga tanong na ito ay pumunta ako kung saan naaninag ang maraming tao. CR lang pala ang pinipilahan. Matindi.
Ø Doon ay dinig na dinig ang "Pinoy Ako" na paulit-ulit pinatutugtog. Ito ba ang Sementeryo ni Kuya?
Ø Nakapila sa HE ang mga babae. Nang kulitin ako ni Mama kung bakit ok lang na andun sila, sinagot ko na lang nang ganito: "Mga lalake talaga 'yan!"
Ø Ano na ang nangyari sa patriyarka? Sa pagkakataong ito, mga HE ang inaagawan. Narinig kong nakikipagtalo ang isang babae sa lalakeng nakapila. Sabi niya, "Kami muna! Ihing-ihi na eh." Sabi ng lalake, "Sandali lang naman umihi ang mga lalake eh!" Noong umaga raw nakita ni Mommy na sabay pumasok sa naturang palikuran ang limang babae at limang lalake. Ayan... share na sila. Walang dehado.
Ø Matagal na kaming nakapila nang ituro sa akin ni Ma ang isang babae...
Ma: Tignan mo siya o... ang laki ng tenga!
Me: Ma 'wag kang maingay, marinig ka!
Ma: E di paglapit n'ya rito sasabihin ko "Malaki ang tinga, hindi tenga! Laki pa mandin ng tenga mo, bingi ka!
Ø HE+S=SHE. Kami nga siguro ang kabilang sa stronger sex. Kulang ng "S" ang HE. Kami ang lalakeng kinumpleto.
Ø Isang oras kaming pumila, isang minuto ang pag-ihi. Ganun ata talaga ang ginagawa natin dito sa mundo: Gumugugol nang maraming oras para sa kaligayahang 'di magtatagal. Naghihintay nang ilang taon para sa iisang araw. Umiibig nang matagal...
Ø VO: Para sa mga 'di makita ang puntod ng mahal sa buhay, pumunta lang po sa aming opisina at ihahatid namin kayo...
...sa huling hantungan?
3. Bakit babae ang manananggal? 'Pag kasi lalake, manananggol.
4. Pulbos sa mukha? Use cringles.
5. Nagbabasa ng dyaryo si Daddy at biglang nagsalita: "Malaki talaga ang suweldo sa call centers. Suwerte ang call boys and girls na ito."
6. Hindi ba't pinaka-nakakahiyang pangyayari na masabihan ka nito: "Ang baho! Umutot ka noh? Narinig kita eh!"
7. Ibang lebel:
Ø Tao 1: Anong tawag mo sa ano na inano tapos naano?
Tao 2: Ano?
Tao 1: E di ano! Wahaha... O sige, ano naman ang tawag mo sa ano kapag naano ng ano?
Tao 2: A 'yan alam ko na. Ano. Wahaha!
Ø Customer: Magkano 'yang kuwan?
Tindera: Kuwan ho.
Customer: Sige. Bigyan mo 'ko ng kuwan. Kuwan lang ha.
Ø Bakit maliit ang itlog-pugo? Itlog-pugo eh.
8. 'Pag sinabi mo ang "Haffy Virthday," 'di mo pala maiiwasang maging kamukha si GMA.
9. Sadyang may mga taong dumudukot ng salapi sa kanilang cleavage. 'Wag naman sana ganun.