How To Speak Easily
Sa araw na 'to, bumalik na siya sa Baguio. Kapag nalulungkot ka na may kasamang saya (plus tears of joy) at nagkahalu-halo na ang lahat-lahat (siguro, pati balat sa tinalupan)... speechless ka niyan. Kailangan marahil ng handbook na pinamagatang "How To Speak Easily." Ngunit ika'y kapus-palad, sapagkat tanging "How To Speak English Easily" lamang ang naaaninag sa tabi-tabi. Magdududa ka pa dahil mababasa ang sumusunod:
"There so many explanation to do."
"There are steps to take and to remember in making a good conversations."
Ikaw. Oo, ikaw na sumulat ng librong ito, talaga ngang may dapat kang ipaliwanag sa 'kin. Kung nabubuhay ka pa, subukan mo na ring lumikha ng "How To Blog Easily." Pagkatapos noon, sagutin mo ang tanong kung bakit walang signal sa College of Mass Communication building sa Peyups. Kaming mga mag-aaral ng komunikasyon mismo, 'di makapag-communicate sa aming mga kachokaran!
Nang makabalik na nga siya sa Baguio, nagti-text pa rin kami. Pero napuna kong... aba! Umiikli na ang mga mensaheng ipinapadala niya. Sinabi ko. Hindi naman daw sa ganoon. Pero ang huling text niya ay tumataginting na... "Ok."
Wala akong magawa. Kung tutulad ka sa akin, marapatin mo nang magbasa sa tapalodo ng mga dyip. Baka may maganda-gandang aral ka pang mapulot tulad ng "Di baleng luma, basta mayroon. Bago nga, hindi naman iyo."
Kung how to speak Español easily naman ang trip mo, sumangguni kay mama. Ituturo niya sa 'yo ang tamang translation. Mga halimbawa:
Ang lapis. El monggol.
In the box. En de cahon.
Ang babae. La vavae.
Ang aso. El doge.
(At ang walang mintis.) Baho. Vajo! (aktong dumadahak, tamang-tama sa glottal na pagbigkas ng "j" sa Español.)
At kapag naubusan na siya ng pasensya sa iyo, sasabihin niyang "Ende quo alam!"
Comments