Christmas Shopping

Ang aga-aga, tinext ako ni Tonton ng:
"Simoy ng pasko'y narito na... (may Christmas tree sa gilid) Merry... galo ka na ba sa 'kin? Hehe, naunahan kita noh! Hihintayin ko 'yun ha."

Malapit na nga. At naeexcite na rin ako. Pero mahirap magpasko nang walang pera. Ewan ko ba. Hindi naman sa nagiging materialistic pero sadyang nagbibigay ng kalungkutan ang bulsang walang laman. Kahapon, nagpunta kami ni Mama sa SM. Pagpasok, ginawa ang nakasanayang kapkapan. Sana lang may stethoscope ang mga kapkapero rito... upang matiyak na walang virus ang mga taong pumapasok. Haaay... nakakainis pa rin ang makukulit na saleslady! 'Yung mga nagsasabing "Pwede n'yo po i-try 'yan... try n'yo?" Bumubulong si Mama ng "Sarap dagukan." At paglabas buhat sa tindahan ng saplot, naroon ang mga booth ng Christmas decor. Siguro nilagay siya dun dahil pwede ring pandagdag sa blusang binili mo... body accessories manay!

Sa sidewalk naman, may nakasalubong kaming magka-holding hands. Sabi ko kay Mama, "How sweet." Aba! Biglang dumahak 'yung lalake.
Mama: Ang sweet nga! At least alam na nung babae kung anong napasukan niya.
***
Kung may nagsasabi ng "Bayad po, estudyante", bakit walang "Bayad po, tambay"?
***
Nahihirapan si Tonton kung pa'no magpapaliwanag sa 'kin. Napag-usapan kasi namin 'yung mga maganda ang boses pero pangit sa personal (and vice versa). So ano? Maganda ba ang boses ko?

Popular Posts