Matandang May Pinagkatandaan


Unang araw ng mga klase ko ngayon. Una, PE. Sa second floor ng gym, walang label ang mga silid. Isa-isa kong binuksan a la jackpot round. Pagdating sa dulo, laking dismaya ko nang makitang CR na pala ang narating ko.

Sa PE1, may nakilala akong girl. Fourth year na siya. Chemical Engineering. Kahanga-hanga dahil masiyahin pa rin siya. Maganda ang disposisyon. Mukha rin naman daw akong masaya. Baka raw dahil sa love life. Baka.

Samantala, nakakaalarma dahil sa lahat ng subjects ko ngayong araw, mayroong nangupo sa 'kin. Huhuhu... Mukha na nga ata 'kong matanda. Naaalala ko sa grocery minsan, may nanghula na 23 'ko. Kanina sa NatSci, merong "ate MJ" ang tawag sa 'kin. Mukhang good for one sem na ito.

Nakakatawa naman ang nangyari sa 'min sa klaseng 'yun. Pa'no naman... habang naghihintay sa prof, may pumasok na lalakeng nagset-up ng LCD at sound system. Hindi man lang nagsalita at nagpatugtog lang ng "Tara na, byahe tayo..." kaya inisip ko namang baka tini-testing n'ya na ang memorya namin. Baka may quiz at itatanong ang tungkol sa Obando at Antipolo. Akalain mong pagkatapos ng lahat saka niya sinabing "Hindi ako ang prof n'yo. Mali-late raw siya." Pagkatapos, nagpakita siya ng mga nakakatawang video na nakuha sa e-mail. Sumunod ang jokes sa anyo ng mga diyalogo at mga kakatwang anunsyo ("Bawal magtapon ng binalot na tae rito"; "Wanted: Boy Waitress").

He: I'm a photographer and I'm looking for a face like yours.
She: I'm a plastic surgeon. I'm looking for a face like yours

She: Come on, don't be shy to ask me out.
He: Get out.

He: Where have you been all my life?
She: Hiding from you.

He: I'm an Aquarian. What's your sign?
She: Do not enter.

He: Your body is the temple of God.
She: Sorry, there are no services today.

Ano ba ito?! Siguro puro jokes muna ngayong first day dahil iyakan naman ang susunod 'pag nagsimula na kami sa Chem at Physics.
Naalala ko ang tatlong tanong kay Allan K. sa pageant:
Ø If you will be given a chance, what is this chance?
Ø If you are able to choose, what will you choose?
Ø Aside from your face, what is your problem?
Wahaha... wahihihihihi.

Popular Posts