Sarbey


Sa isang pagsasaliksik upang maiwasan ang mga aksidente sa daan, ganito ang mababasa sa questionnaire: Huminto at mag-obserba ng 10 kotse. Ilan ang:

1. Hindi tumigil upang magbigay-daan sa mga naglalakad na tao
2. Lumiko at nagsawalang-bahala sa mga tumatawid
3. Lumampas sa speed limit
4. Binilisan ang takbo upang maunahan ang red light
5. Umatras sa pinagparadahan nang hindi tumitingin sa likod
*Palusot ng iba, may side mirror naman kasi.

Sa piling ng aking kasabwat, nakabuo ako ng bagong katanungan. Bakit kasi kotse lang ang oobserbahan at hindi isama ang mga tren. Kaya...
Huminto at obserbahan ang 10 tren. Ilan ang:

1. Nadiskaril
2. Kakarag-karag
3. Mala-roller coaster ang riles
4. Walang riles
5. Lumalagpas sa speed limit
6. Nahulog ang konduktor
7. Lasing ang drayber
8. Tumakbo agad ang tren kahit may sumasakay pa

Sa presentasyon ng datos, nagtaka ang kinauukulan kung bakit lumalampas ang bilang ng mga nakabiktimang sasakyan bersus bilang ng mga nabundol. Multiple responses kasi. Maaaring ang batang nasagasaan ng bus sa umaga ay nabundol din ng tren sa gabi. At siya'y matagumpay pang nakasagot ng sarbey. Tignan ang pangalan: Superman.

At para makibagay sa mga huli kong blog entries, lumikha na rin tayo ng ganitong pag-aaral:
Bantayan ang 10 kalalakihan. Ilan ang:

1. Naghanap ng ibang babae
2. Nananakit sa pamamagitan ng mga salita
3. Nananakit sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan
4. Late lagi sa date
5. Hindi naliligo at nagsisipilyo bago katagpuin ang karelasyon
6. Others (specify) _____________

Popular Posts