Shortage Ng Kalalakihan


Kung bakit ba naman kasi nagkasabay-sabay ngayon ang mga problema ng mga kaibigan ko. Ayoko mang gayahin ang gasgas na linyang "Pare-pareho kayong mga lalake!", ganun na nga ang ipinapahiwatig ng mga kaganapan. Na para bang madali sa mga lalakeng magpasakit at maghanap ng kapalit.

Naaalala ko ang sabi ng boypren ko: Cadets do not lie, cheat, steal nor tolerate those who do. Pati nga sa pribadong buhay, dapat ay isabuhay pa rin ito. Dagdag pa niya, pwede ko siyang ireport kung sakaling i-two time niya ko. Kung gayon pala, sana nagkadete na lang ang lahat ng lalake. Pero maaari rin namang dagsa ang mga report ukol sa pamamangka sa dalawang ilog.

Ang biktima. Iyak siya nang iyak sa 'kin.

Baka magkasakit na siya. Dapat sa ibang bagay na lang niya ibuhos ang enerhiya. Gaya na lamang ng pagkanta ng Lagot Ka, Sana Mama, Ocho Ocho, Ispageti, at Pamela sa videoke. O di naman kaya'y sumali sa tropa nina Joseph Prutgam, Low Waist Manzano, Paul Voron, at Abrila Bean (asawa ni Mr. Bean) na sumisikat na ngayon sa texts.
Alam ko kung ga'no kasakit kahit hindi ko naiisip na isang araw ay maaari rin akong mabiktima. Kahit sa tuwing makakarinig ako ng mga kuwento ng pagtataksil ay para bang malayo ako sa kanila. "Hinding-hindi ito mangyayari sa 'kin." Hindi ko pa batid kung pa'no kakayanin 'pag naglaho siyang parang bula. Papanoorin mo na lang ako ng sampung horror movies na magkakasunod kaysa mangyari ang ganyan. Natatakot talaga me!

Ayos din naman sa timing ang radyo. Pagbukas ko, sakto sa sinasabi ng deejay na "Anong gagawin mo 'pag nalaman mong dalawa pala kayo sa buhay ng mahal mo?" At may mga nagtitext ng sagot nila. Kesyo magmamahal na lang din daw sila ng iba para maging patas. 'Yung isa, iiwanan niya raw at "magsama-sama sila ng mga babae niya!" Buti naman walang nagsabing ilalagay niya ang batas sa kanyang mga palad at magbibitbit ng armas, susugod sa taksil na nobyo hawak ang palakol at mga gadyet na hiniram pa sa ninang na dentista.

May nagreklamo sa aking 'di pa n'ya nakikilala si Mr. Right. Para sa akin, siya ang kalabang mortal ni Mr. Left (Halata bang nangangaliwa siya?).

Popular Posts