Third Party
Tutulungan kitang magplano ng iyong piging.
First Party.
Damihan ang imbitado. Lalake, babae, bata, matanda, may ipin o wala, stick to one o babaero, chain smoker o lasenggo. First time ito kaya kailangang sarapan ang ihahain. Tiyaking magiging bongga ito sa kanilang panlasa para sa susunod ay mapababalik mo sila. Hahanap-hanapin nila ang timpla mo. Hinding-hindi sasagi sa isip nila ang piging ng iba. Umarkila ng tables and chairs. Masusing asikasuhin ang iyong party needs. Dagdagan ng white balloons signifying eternal love for your guests.
Second Party.
Ayan, bumalik na sila. Huli mo na ang kiliti. Kung masarap ang mga putahe sa first party, dapat mahigitan mo ito. Magbigay ng bago sa panlasa para 'wag silang magsawa sa 'yo. Ilabas ang bagsik sa kusina. Ihanda ang ginataang kuhol at binanliang talaba. Linawin ang mga bagay-bagay sa inyong paluwagan para may pondo sa takdang araw. Idagdag ang mga sumusunod na pangalan sa iyong listahan: Tanya, Trish, Paulyn, Nicole. May napapansin ka ba sa mga pangalang ito? Sila ang mahihilig makipagbeso-beso sa amigas. Sila ang mga anak ni Melba.
Third Party.
Aba, namimihasa na sila! Butas na ang bulsa mo at balik pa rin nang balik. At dahil sumikat ka na sa iyong baranggay bilang hostess na may mabuting loob, dumarami rin ang gatecrashers. Isilbi ang mga nakalalasong putahe. Gamitin ang mga kubyertos na naimbak nang kung ilang dekada sa lumang platera. 'Wag hugasan. Paupuin ang mga bisita sa sahig. Bombahin si Tanya and company. Kidnapin ang boypren mong inagaw nila. I-blindfold at dalhin sa 8 Waves doon sa San Rafael Bulacan, ipalamon sa alon.
Party List.
May karapatan kang bumoto. Panahon ito ng pagtigbak sa dapat tigbakin at paghalal ng nararapat mahalal.