Usapang Nakalalasing
Emphasis on the "lalasing." Dahil kung sasabihin mong "nakakalasing" ay tiyak na wala kang kawala sa mapanuring Rusell. Lagi kasi niyang pinapansin ang mga mali ng ibang taong nagsasabi ng: nakakatawa, nakakalungkot, nakakabusog. Ang wasto raw ay: nakatatawa, nakalulungkot, nakabubusog. Tandaang ang unang pantig ng salitang ugat ang dapat ulitin.
Ngayong natuto ka na, ikukuwento ko na ang ginawa namin ni Meline kanina na dahilan kung bakit 4am na 'ko nakatulog. Nakaugalian na naming magtelebabad. Mag-uumpisa kami pagkaraan ng Gulong Ng Palad at Diyos na lamang ang makapagsasabi kung kailan matatapos. Kahit kasi magpaalam na 'ko, makakaisip na naman siya ng paksang makapupukaw ng labis na atensyon. Kailan lang, nag-umpisa ang habit naming kumanta nang walang humpay. Naglalaro kami ng dugtungan. Nung una, tipo ko ang uri ng mga inaawit namin (I'd Still Say Yes, Will Of The Wind, Sun And Moon, atbp) pero kagabi, dumako kami sa mga awiting pang-lasenggo at pagkatapos ay nursery rhymes naman. Gaya ng Barney song na naging:
I love you, you love me.
Let's go out and kill Barney.
With a shotgun, bang! Bang!
Barney's on the floor.
No more stupid dinosaur. (fwd txt msg)
Narito ang lyrices na binuo namin matapos kumanta ng "Tama na 'yan inuman na" at "Hapi hapi hapi bertdey, sa 'yo ang inumin, sa 'yo ang pulutan."
Mula kay Manny:
Para sa 'yo (Para sa 'yo), ang tagay na 'to
Para sa 'yo ang tagay na 'to oh ohoho
'Di ako susuka, isisigaw ko sa mundo
para sa 'yo ang tagay na 'to
Oh hoooh (Repeat all)
Orange ang Lemons:
Uminom ka na baby
'di na ako sanay tumoma
Mahirap ang mag-isa
*Isama mo na rin ang This angel has flown away from me, leaving me in DRUNKEN misery.
E Heads:
Iinom ako hanggang Baguio
iinom ako hanggang Bicol
iinom ako hanggang Batangas
tapos magswi-swimming d'on sa beer
Isasama ko ang lasenggo
isasama ko kahit sinong may gusto
kahit may kasama siyang aso
basta't meron siyang dalang sariling lapad.
Kitchie:
Ilang long neck pa ba ang totomain o giliw ko?
Ilang lapad pa ba ang lalapain o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapakalango
di mo man lang sinasaway ang sunog bagang 'to.
Gagawin ko ang lahat pati pulutan mo
wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko.
Tagayan mo lang ako aking sinta'y
walang humpay na lasingan
Aasahang lulunurin ka
sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang huminto at sumuka
dahil ang baga ko'y walang pangamba
na tayo'y malilibing na tahimika't buong ligaya.
Amazing! Hindi naman kami manginginom pero dahil lang sa mga kinanta at pinag-usapan namin, nakaramdam nga kami ng pagkalasing. One fourth na lang ng mata ko ang nakabukas at parang umiikot ang paligid. At tuwing tatangkain naming ulitin ang lyrics na tapos na, 'di namin maalala.
Ginawan din namin ng awit ang mga walrus. May linya roon na "Tara na at sirain si MJ na isang Dugong." Masyado nga lang sensitibo ang liriko kaya't hindi ko na mailalagay pa rito. Tungkol ito sa sabwatan ng tatlong tao. Dalawang lalake, isang babae.
Kinailangan ko nang umakyat at samahan si mommy't daddy sa pagtulog. Bawal na 'kong mag-isa ngayon dahil tatlo na ang naramdaman naming kakaiba sa bahay na 'to. Una, nang minsang papasok na 'ko sa kuwarto namin ay kinailangan ko pang kumatok dahil naka-lock ang pinto. Nagtataka si inay dahil wala namang nagsara. Paghiga ko (nakatalikod ako kay mommy), may kumalabit sa likod ko, animo'y inayos ang blusa kong pantulog. Agad akong lumingon pero nahihimbing na sila. Kanina namang umaga, lumitaw ang gunting na for family use. Kahapon, isang buong araw 'tong 'di nakita at inakala ni inay na ako ang nagbalik sa bilao. Aba hindi. Four o' clock na 'ko natulog at ni anino ng gunting ay 'di ko nakita.

Comments