Pambata


Sustagen. Ilang chips ba ang kailangan? Ilang chips sa bawat lata? Nasa prep pa 'ko nang sa ganitong paraan ako namulat sa 'di pagkakapantay-pantay ng yaman ng mga tao. Iaannounce sa klase na bibisita sina Susie and Geno. Bakit ang ibang mga bata, mapalad na nakapagdadala ng chips na maipagpapalit sa stuffed toy na dugong? Adik sa Sustagen! Iligtas daw ang mga dugong. Sana lahat na lang ng mga bata binigyan nila nun. 'Yung gray at brown. Natitiyak kong ang mga batang tulad ko noon na walang chips, pumipila na lang sa free drink. Ang Sustagen Premium kaya... walang ganitong pakulo para sa matatanda?

Naaalala ko pa ang laruan kong pang-masa. 'Yung Doll House na pink at violet. Ina-unscrew ko pa 'yun minsan (kunwari binagyo kaya mawawasak at magugulo ang pieces of furniture). Tapos aayusin uli. 'Yung tau-tauhan ko, malimit pinapahiga ko lang sa kama. Ngayon, parang ako lang din siya. Malimit ko ring pahigain ang sarili ko.

Nilalaro ko rin ang basag na thermometer. Ang cute 'pag nagsasanib 'yung maliit na butil. O 'di ba...very safe. At 'di pa nakuntento, makikipaglaro ako sa sarili─ titser-titseran.

May pambahay ka bang noong elementary mo pa isinusuot? Ako, meron. Maliit kasi akong bata noon (Hulaan mo kung ano na ngayon). Kaya marami sa mga nairegalong saplot sa 'kin, nireserba ng nanay ko... Isuot ko na lang daw paglaki ko. Ang resulta, 'yung ibang malalaking damit na ipinambahay ko noong 1995, naisusuot ko pa rin ngayong 2006 (minsan bilang hanging blouse). Malimit na nga akong masita ng tatay.

Dad: Ang ganda ng anak ko... buti na lang kamukha ko.----------> Persuasive o coercive?
Mom: Ano?
Dad: Easy lang, easy.

May kasama ako sa Red Cross na nagsabing "Maganda tayo. Di pwedeng i-deny dahil sobrang obvious na. It's a fact, a universal truth." Ang humble reply ko naman, "Ang tanong na lang, is it generally accepted?" May nagsabi naman dating kamukha ko si Diana Zubiri. Sumunod, si Francine Prieto. Kanina lang, si Ara Mina. Aba...puro sexy stars ah.

Bagong gupit ako ngayon. Pinapantay ko na. Sabihin mo nang mukhang bunot, pero marami talagang nagko-comment na mukha akong bata. Tanong pa ng isa, "Alam ba ng magulang mo na nandito ka (sa unibersidad)?"

Meline: Bakit ka nagpagupit?
Me: 'Di ba nga magulo na kasi buhay ko ngayon...
(Laughter)
Meline: Tama na nga dzhey, ang sakit na ng lalamunan ko dahil sa 'yo.
Me: Ginusto mo 'to. Ikaw ang mapilit.
(pun intended)

Popular Posts