Christmas Shopping

Hilik pala ang pinaka-epektibong magturo ng inggit. Ginagawa mo na kasi ang lahat para makatulog, kasama ang pagtatapal ng unan sa tenga mong malaki, pero wala pa rin. Iniisip mo na lang, "Buti pa siya, mahimbing na."
Grabe, kauuwi lang namin galing Hypermarket sa SM North. Hanggang 12mn kasi sila at namamangha ako sa kapal ng tao kahit late night na. Ang dami pang mga kumakain habang nakatayo sa tabi ng push carts nilang punung-puno.

Nakatayo kami ni papa sa tabi ng estante ng MP3 players. Matagal namimili among brands na malamang pagtatawanan mo 'pag sinabi ko. Pero mas may nakakatawa: Maya-maya'y natanaw ko si papa na katabi na ang mga termos at plantsa. 'Tay, ano ba talagang gift mo sa 'kin sa pasko?!

Lalo akong kinabahan nang kalikutin niya ang NCR-609 Nova radio cassette worth P399. Yung band selector pa ang napagtripan. Pero namangha ako dahil hanggang SW10! Adik sa short wave! Kung anu-ano masasagap natin dyan. Banat pa ni papa: Wow,digital! Daming digits. Hehe." (Nakalista 'yung frequencies)

Popular Posts