Of Clogged Noses and Fallopian Tubes

Napansin mo bang dikit-dikit sa poste ang promo materials ng mga tubero. Bakit? Lagi bang may barado sa lugar n'yo? Rey, Romel, CJ, Jack (Pretty Boy Playboy...Oops, wag ka...walang numero). Ang dahilan? Alam ko pero hindi ko sasabihin. Bata ka pa kasi eh.

Kulang na lang maglagay din ng karatulang "Paunawa: Mag-ingat sa tubero." Ang palaisipan na lamang, sino ang higit na mahusay sa pagtutubero: si Joel o si Joey? Mas makabubuti kung anay at daga expert din. May edge ka sa competitive industry.

"Wala pa 'kong nababalitaang tubero na naging bayani." - Bob Ong

Umiwas na lang ako ng tingin nang may mamang jumingle sa poste.

"Pare, wiwi tayo." -Meline
(Special Note: 5x nang natanggap ni Meline 'yung text tungkol sa Lego.)

Nawala ang pagkadismaya ko nang makita ang katabing poster ng Jolly fries. Hmmm... langhap sarap.

Isang hapon napadaan kami ng nanay ko sa tapat ng Baliwag.
Me: 'Nay, sarap ng lechong manok, bili tayo.
Ma: 'Wag, masama 'yan sa 'yo.
Me: 'Kaw po 'yung masama eh.
Pero naniwala na rin akong masama nga 'yon dahil katabi nito ang karatulang "Cyst, Tumor, Cancer consultation."

Popular Posts