Enrollment Blues Part 2

Aba akalain mo, habang nag-eenroll kami ngayon,as in ngayon sa "automated MANUAL enlistment", ay nakakapag-blog ako! Ang problema, binago nila ang sistema at computerized ang lahat. Siyempre pa, nagda-down ang server dahil sa umaatakeng bilang ng mga estudyanteng nagkakandarapa mag-CRS. Sabi ko nga, sana nag-kadete na lang ako para wala nang enlist-enlist drama. Pero naalala kong kapag digmaan, ibang papapa-enlist naman ang kailangang atupagin.

Kagabi lang daw ipinost ang announcement na may REAL TIME enlistment na pauso sa campus. Wish namin, maka-graduate in real time. O kung hindi man, kumitil ng buhay in real time. 'Pag oras mo, oras mo na. Do you want to PROCEED? Read the procedure, ang sabi ko sa mga nakapila sa Dept. Pero malaki ang posibilidad na 'di ako makapag-intern this summer. INTERN na lang sa INTERNet.

Sa tagal ng pilang 'di umuusad, inusisa namin ang I.D. rules. Ang sabi, it's non-transferable, if tampered will be invalid. Therefore, we tamper it...

It will be invalid; and:

Transferable.

Pero sana sinabi na lang nilang "This I.D is non-transferable, and so is your identity." Di ba?

Oi wait! Naka-enlist na 'ko ng isang subject! This calls for an inuman. Hehe...na-miss mo ba si Greta? Woohoo...3 units pare. Psych 101. Pag-aaralan kung bakit nakababaliw ang Abril.

Comments

Popular Posts