Scotched-Taped 20 Peso Bills

Naaalala mo ba ‘yung facial expression mo nang suklian ka sa jeep ng mga benteng naka-scotch tape (o packaging tape, depende sa luho ng drayber) at malambot pa sa panyo mong napagpawisan? Ganito rin marahil ang itsura mo kapag nagbabasa ng merrywanna.

Mahalagang leksyon mula sa Film 100: Not everything that is heard needs to be shown.

Anti-depressant daw ang chocolates. Makakuha nga ng Toblerone 8x100g. (Sabay may maririnig ako sa likurang tumatawag ng “Guard...”) I’ve been spoiling myself lately. Ngayon ko lang na-feel na hayok ako sa sweets. Pati kasi softdrinks, matagal kong naiwasan. Pero siguro, kakaibang sweetness ang hanap ko. Tulad halimbawa ng tuwang hatid kapag naiisip ko ang crush na si... (shucks, nahihiya ako’t first time ko lang magbubunyag) Alex Santos, ang newscaster sa TV Patrol World kapag Sabado. Grabe na talaga (sabay hagod sa buhok at pasok sa isang tainga) ang unang beses na nagka-crush ako sa isang media practitioner. Ano kaya kung mabasa niya ito?! Lagot.

Malapit na kaming mag-thesis, kaya naman nagbabalik-loob ako sa matatamis dahil kailangan ko ng lakas. Speaking of thesis, maghahanap na kami ng poproblemahin (thesis problem) at sakit ng katawan (interviews). At sa mga oras na walang magawa, magre-rehearse na lamang ng tamang pagbigkas. Mga salita tulag ng “lafesh.” “Lafangga.”

Minsan kinailangan kong kumuha ng certificate of good moral character. Naghintay muna ako sa opisina dahil wala pa ang pipirma. Naglakbay na naman ang diwa ko. Inimagine ko ang sariling nagwawala dahil nagmamadaling makuha ang “good moral”. Tapos magmumura pa raw.

Comments

Popular Posts