Psych Sampler
Kahit alas-siyete ang klase ko sa Psych 101, hindi kami inantok kanina nang i-introduce sa amin ang Sikolohiyang Pilipino. Paborito namin ang paksang Iskala ng Mananaliksik na binubuo ng:
1. Pagmamasid
2. Pakikiramdam
3. Pagtatanung-tanong
4. Pagsubok
5. Pagdalaw-dalaw
6. Pagmamatyag
7. Pagsubaybay
Namili kami ng katabi ko. Akin ang pagmamatyag at kanya ang pagdalaw-dalaw. Sabi ko, magtanung-tanong muna siya bago dumalaw. The makings of a real stalker.
Pag-aandukha: Ito raw ang pagkuha natin ng banyagang konsepto at paggamit nito sa pag-unawa ng sariling kultura tulad na lang ng “paniniyansing”. Ayon sa prof, the opportunity presented itself and they took the CHANCE kumbaga. Hehe. Pero sa atin sekswal lang ang gamit nito. Hindi naman sinasabi sa exam na maniniyansing ka para makakuha ng mataas na marka.
Ayon daw sa isang pag-aaral, ang mga sumusulat tungkol sa mga emosyonal na karanasan ay mas bihirang pumunta ng health center kaysa sa control group. Batay ito sa konsepto ng catharsis. Pero para sa akin, sulat lang sila nang sulat kaya walang panahon pumunta ng health center.
Sa isa pang pag-aaral sa mga inhinyerong natanggal sa trabaho, mas nalampasan daw ng mga nagsulat tungkol sa problema ang frustration kumpara sa mga inhinyero na nanatiling galit at unemployed. Nakatagpo na raw ng mga bagong trabaho ang unang grupo (‘yung mga nag-emotional writing). Bilang journalists?, tanong ko.
May mga kaso na hindi kayang manipulahin ang mga salik sa pamamagitan ng isang eksperimento tulad na lang ng sa “Effects of the 9-11 attack on the residents of New York.” Ano ‘yan, eksperimentong puro pasabog?
Sa mga sumandaling ito, tinatapos namin ang reading sa Biological Foundations of Behavior. Habang tinatalakay nito ang brain structures and functions... sumasakit ang utak namin.

Comments