300 For 300
March 30 nang manood kami ng friend and churchmate ko ng 300. Ang banat sa magulang, “Pengeng 300, we’ll watch 300.” Sulit naman dahil sa mga tumambad na six packers. Siguro nagkaroon ng casting call sa gym. Balita ko istrikto nilang sinunod ang Spartan diet upang makamit ang Spartan body. ‘Di tulad nating may one whole pack lang.
Hard core patayan bang hanap mo? Dito, sinangkapan pa ng O.A. na pamamana. Pagkatapos, patong-patong ang mga katawan ng kalaban: Parang nagliligpit lang ng halaman ang mga bida. May drama pang revolving head. Ulo kung ulo. Angkop ang banner ng pelikula na bagay din sa Horror House ng Star City.
Ultra simple lang ang plot nito, pero nadala ako. Masasabi kong mahusay ang pagkakagawa ng pelikula kahit sa una’y ‘di ka bibilib sa visuals. “Paintings?!”, maitatanong mo sa sarili. Astig ang mga linya. Kaya gusto ko sanang gumawa naman ng “200”: Babae naman ang aalis para makipagdigma, at lalake ang maiiwan.
Tanong lang ng kaibigan ko, kailangan ba talagang ipakita ang putol-putol na love scene? Filler lang daw siguro.
Maiimagine mo na lang ang reaksyon ng mga nakatatanda habang pasugod na ang mga Ispartan: “Wow, ang daming lalake!” Naalala ko tuloy ‘yung nasa harap ng Cosmo magazine ng friend ko na “99 things to do with a NAKED MAN.” Ang basa namin, “99 NAKED MAN.” Sabi niya tuloy, “I send 99 Spartans.” Ang hangover nga naman. Baka habang ako ay nagnanais gumawa ng “200,” siya naman ay may “99.” Tamang-tama, ARAW NG KAGITINGAN ngayon.

Comments