Ano ‘To, Senado?

Nasubukan mo na bang gabihin ng uwi at salubungin ng maraming tanong ng magulang? Aba, para ka palang nasa senado.

Maswerte ka pa rin. Hindi ka natulad sa ibang nag-testify na hindi mo malaman kung nahihirapan magsinungaling, o nahihirapan lang talagang mag-Ingles. Or both? He he he... Kaya may mga tanong na mahirap lusutan tulad ng palaisipan kung sinong nagbibigay ng instruction kung saan dadalhin si Lozada. Sa panig nila, hindi nila kinidnap ang inhinyero bagkus ay tumupad lang sa hiningi niyang proteksyon. Ayon naman kay Chairman, bakit tila may tourism journey at free legal assistance pa kay Atty. Bautista kahit sinabi ni Jun na gusto niya nang umuwi sa Pasig? ;o)

Tanong sa PSPO: Ilan ang pino-protektahan n’yong VIP?
Sagot: Hundreds... Thousands...
Tanong: Lahat ‘yon iniikot n’yo kung saan-saan?

Ha ha... Masarap panoorin. Aabangan mo ang mga mukhang nasa likod ng mga senador. Pwede silang pagbatayan ng mga makabagong emoticon. May nakangusong nabuburyong, may mga mukhang interesado na nagfi-fill in the blanks pa sa mga sinasabi ng senador, at may mga mukhang hindi nagbabago kahit taas-baba ang tensyon sa kapaligiran.

Ang iniisip ko na lang ngayon, ika-cram kaya ni Jun Lozada ang homework niya? Sa hinaba-haba kasi ng pagdinig, tinanong siya ni Sen. Enrile kung sinong nagsisinungaling at alin ang mga kasinungalingan? He he... isa-isa. E pagod na si Jun at nauubusan na siya ng buhok. Kaya nasabi niya na lang: “Buti na lang nag-notes ako... Parang may exam.” Sa huli, napagkasunduan na lang na bibigyan siya ng transcript at saka niya ipapasa ang list of lies and liars. Ilagay na sa matrix ‘yan!

Mag-apply kaya akong transcriber ng senate hearings? I wish! 30-minute interview pa nga lang inaabot na ‘ko ng 4 hours! Si Meline naman, “pag nilitson” ang dinig sa “’pag eleksyon.” Delikado.

Umaga pa lang nakatutok na ko sa pagdinig. (Andun ‘yung tinanong ni Chiz si Mike kung magkaibigan ba sila. Sana raw ay may 50 thousand din siya ‘pag nangailangan.) Pagsapit ng dilim, ganito na ang sinasabi ni katukayo:

Jun: Di na ‘ko iiyak. Pagod na ‘ko.

May mga tao namang mahirap tanungin at napapasuko si Sen. Jinggoy.

Jinggoy (To aviation general manager): Anu ba tingin mo kay Jun? Ordinary o VIP?
Sagot: ‘Di ko siya kilala.
(Tawanan)
Jinggoy: Kanina kasi VIP, ngayon ordinary na lang. Alam mo ba na may warrant na inisyu ang senado? Sabi mo kanina hindi mo alam. (Magdaragdag ng diin) Wala kang alam! (Sinong walang alam Senator? Hi hi hi...)

Sa lahat ng mga nagjo-joke, mga abugado ang paborito ko. Witty to the highest level.

Popular Posts