Monopoly Deal
Salamat kay Alaine, natutunan ko ang laro kung saan ang mayaman ay lalong yumayaman at ang mahirap ay lalong naghihirap: Monopoly. Pero sa isang baraha, maaari namang mabago ang kapalaran. Alam ko na kung kailan dapat maningil, kailan dapat magbaba. 'Di pala lahat ng ari-arian ay dapat ipaalam o ipagyabang... baka ito ay masamsam. At ang susi kontra kahirapan ay ang kakayahan to just say no. Masarap din magtagumpay, kapag ubos ang baraha niya at masasabi mong "May kalaban ba 'ko rito?" At tandaan, kailangan magbaba ng pera para protektahan ang ari-arian.
Biglang may dumaan at nagsabing "Ang babata pa, monopolyo na ang iniisip!"
Dito lang ako nakakita nang may birthday at nalungkot ang lahat. At kapag may natutuwa, may maririnig kang "Huwag kang pakasisiguro. Agawin ko 'yan sa 'yo." May mga gahamang manlalaro rin na naningil na ng renta, nag-birthday pa!