Monopoly Lessons Part 3

Wala talagang katapusan ang pagkatuto. Ganoon din sa paboritong laro.

Dito, kahit alam mong talo ka na, mahalaga pa ring mamatay nang may dignidad. Masarap mamatay nang maraming pera.

Ang panalo ang siyang nagbabalasa. Kaya ang mga mapagmataas, sinasabing sawa na silang gawin ito. Alam ko ang pakiramdam, kasi lagi rin akong nagbabalasa. At kapag nagkakayayaan nang maglaro, isisigaw kong "Nasa'n na ang talunang si Nin?"

Natutunan ko na rin ang iba't ibang paraan ng pananakot:
1. Kunwaring paglalaglag ng "It's my birthday."
2. Ay, nalaglag... Forced deal
3. Deal Breaker na pinera lang

Bilang pangwakas, narito ang suggested theme songs para sa card game na Monopoly Deal. Pwede mong awitin ang mga partikular na linya habang naghihintay sa tira ng iba:
1. Lazy Song ('Coz today I don't feel like doing anything...)
2. Kunin Mo Na Ang Lahat sa Akin
3. Bakit Ngayon Ka Lang Dumating?

Popular Posts