Monopoly Lessons Part 2

Nagbabalik tayo sa laro kung saan karangalan ang mapag-interesan at ang dalawang milyon ay barya lang.

Masama ang loob ni Nin Pangilinan dahil hindi siya nabanggit sa Part 1. Kasi naman, si Alaine ang nagturo kaya sa kanya muna ang pagkilala. Pero kung maruming paglalaro at mga taktika ang kailangan, aba... sagot ni Nin yan! Narito na ang mahahalagang punto mula sa Monopoly Deal:

1. Kumuha ng simpatya at magpaapi. Sa huli, ikaw ang magwawagi.

2. “Magbababa na ‘ko agad dahil gusto ko ng easy money. Pagod na ko sa kahihintay, wala namang nangyayari.”

3. Player 1: Pangit ng baraha ko.
Player 2: Ako rin e.
Player 3: Alam ko na kung bakit. (Sabay tingin sa isa pang kalaban.)

3. Si Bryan, kahit ang “Go Pass” ay ipinagyayabang.

4. Minsan ang nagbabagsak ay nababagsakan ng maling desisyon.

5. Kung sinong kaunti ang pera, siya ang sinisingil para maipit. Pwersadong ipambayad ang ari-arian.

6. Sa huli, level up na kami…may timer. Pero ubos agad ang time dahil nang maningil, matagal silang magbayad ng renta. Ingatang huwag malito. Baka may makatakas.

7. Buwisit na timer. Sa pagmamadali, di ako naka-draw.

8. Walang saysay mag-birthday kung wala silang pera.

Nakakaadik talaga ang Monopoly. Pagtawag palang namin ng pangalan na may kaakibat na pagtungo ng ulo, alam na ang intensyon. At nitong huli, kababaihan na ang nag-aaya (Sina Bryan at Nin lang kasi ang master card players).



Popular Posts