Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno

Ako'y kawani ng gobyerno.
Tungkulin ko ang maglingkod nang tapat at mahusay,
Dahil dito, ako'y papasok nang maaga at magtatrabaho nang lampas sa takdang oras kung kinakailangan;

Magsisilbi ako nang magalang at mabilis sa lahat nang nangangailangan;
Pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangkapan at iba pang pag-aari ng pamahalaan;
Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko sa mga lumalapit sa aming tanggapan.

Magsasalita ako laban sa katiwalian at pagsasamantala.
Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan sa sarili kong kapakanan.
Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol.

Sisikapin kong madagdagan ang aking talino at kakayanan upang ang antas ng paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas.
Sapagkat ako'y isang kawani ng gobyerno at tungkulin ito ang maglingkod ng tapat at mahusay sa bayan ko.

At sa panahong ito, ako at aking mga kapwa kawani ay kailangan tungo sa isang maunlad, masagana at mapayapang Pilipinas.
Sa harap ninyong lahat, ako'y taos-pusong nanunumpa.

Popular Posts