Faith Is All It Takes


Dumarami na raw ang nagsisimba sa Mt. Carmel dito sa may amin sa Project 6. Simula kasi nung sinabi ng dalawang winner sa Game KNB na dito sila nagdasal bago magtungo sa studio. Sabi ng pari, may mga nakikita na rin siyang mga dumadayo na may dalang Lotto ticket at panabong. Pakiusap niya, wag sanang gawing patron ng mga sugarol ang Our Lady of Mt. Carmel.
***
Recently, the Kapamilya caravan went to the US. What if nagcrash yung plane? Eh di ubos ang talents ng dos? Naku…kukuha nanaman sila sa siete.
***
Sa isang jeep: “Magbayad muna bago matulog”
***
Babae: Lahat ng Arroyo magnanakaw!
Lalake: Ang sakit mo naman magsalita.
Babae: Bakit Arroyo ka ba?
Lalake: Di ah! Magnanakaw ako!

Q: Bakit Tahimik pa rin si GMA kahit napakainit ng isyu sa kanya?
A: Baka raw siya mabosesan.

Lalabas ng bansa ang First Gentleman dahil pinawalang bisa ang kasal nila ni GMA dahil nadiskubreng magkapatid pala sila. According to Susan Roces, “Ang Sinungaling ay kapatid ng Magnanakaw.”

Popular Posts