Temeroso De Los Perros


Good for a film title, eh? (?Esta señorita afraid of the dogs? Si, señor!) Ganito kasi 'yon. Alas-otso ng gabi, lalabas kami ni Mama para sumaglit sa tindahan. Nasa loob pa kami ng bahay, naririnig na ang mga tahol ng asong tila hindi pa naghahapunan. Nagdala kami ng payong. 'Pag lumapit ang aso, bubuksan namin para magulat siya. Tatakbo 'yon. Kung hindi, kami na lang. Iinom muna 'ko ng Enerva, ang lakas ng Pilipina. Ganda 'di ba?

Speaking of Enerva, bakit nga pala ganoon ang itsura ng botika? Hinihiwalay ka sa mga pharmacist at ipapatong mo ang mga braso sa harang. Mukha kang problemado. "May gamot ba kayo sa (fill in the blank)?"
***
Ready na ba ang super combinations mo para sa loterya? Dapat i-ready mo na rin ang super lolo 6/49 dahil malapit na ang pasko't bagong taon. (Teka, pwede palang magbaon na lang ako ng paputok lagi para may laban sa masasamang tao.)

Comments

Popular Posts