Punla

Sa daan pauwi, naaninag ko ang isang karatula: Tanim ko, aalagaan ko. Pinagnilayan ko at nasabi sa sarili, 'Wag magtanim ng 'di mo kayang alagaan. Pwede mong gawing motto o kaya'y islogan ng gobyerno habang "sinusugpo" ang populasyon, este overpopulation.
Nagloloko ang video clips ng TV Patrol. Gaya kagabi. Habang sinasabi ni Karen ang tungkol sa memorabilia ni Pacman na ilalagay sa itatayong sports training camp sa GenSan, ipinapakita ang isang sawa. Pagkatapos niyang magsalita, ipinakita na ang mukha ni Manny. Akala ko sasabihin naman niyang "Isang sawa nanaman ang natagpuan sa Quezon City."
Nararamdaman mo bang maaga kang mamamatay? Dalawa ang kilala kong ganyan. Maski naman ako, nakararamdam din ng ganyan. Pero hindi ko na sinasabi dahil ayokong makasakit ng nagmamahal sa 'kin. Pero ngayong sinasabi ko na sa 'yo, nasasaktan nga ba kita?

Comments

Popular Posts