Insomniac

Unlimitxt.
Pagpupuyat ngayong bakasyon: parang alak, yosi, at droga. 'Pag nakasanayan, can't get off the system.
E ano ba'ng gusto mong gawin ko? Ngumiti hanggang mapulikat ang mukha?
Sa landline: ibababa na ni Meline.
"Matapos mong makuha ang gusto mo?"
Sasagot siya.
"Wala nga 'kong nakuha eh!" (tonong Meline na sinapian ni Rus)
At maya-maya...
"O ayan tapos na, napatawa na kita"
Anong palagay mo sa sarili? Tindera ng panandaliang aliw?
Kung mag-a-Unlimitxt50 ka, samahan mo na ng enerva.
Maghanda.
Pulikat ng mga daliri.
Distribution lists.
Text all you can.
Walang tulugan.
Ang inasam mong confirmation text, narito na.
Lubos-lubusin.
Minekaniko ni Monico ang minica ni Monica.
Hula ko...
'di mo alam kung ano ang minica.

Comments

Popular Posts