Teen No More (?!)


Yesterday was MJ day!

At para sa mga nagsasabing matanda na 'ko (ehem...Meline?) at 'di na teen, pwede pa rin namang TWENTEEN ah! Pwede... hehehe. Nakakaadik din pala itong "pwede." Nirekord pa namin ang iba't ibang paraan ng pagsasabi.

Talaga namang numero lang ang bente. Kung tatanungin mo 'ko, 'di ko pa ramdam na tumatanda ako (pero marami na 'kong napagkatandaan). Andyan kasi ang maraming kaibigang nagpapabata sa 'kin. Sa mga bumati, ipinaaabot ko ang taos-pusong pasasalamat. Binuo n'yo ang araw ko. Lalo na si Mai, akala ko nalimutan na niya. Huli man daw at magaling, huli pa rin. Joke lang. Espesyal ang pagtawag mo kagabi. Kasama mo pa si John bumati.

Resolusyon: Nag-aaya si Yya na gumawa kami ng diet plan. Aalisin ang kanin, pwedeng kainin kahit ano 'wag lang 'yon. At kung sino ang 'di pumayat, magti-treat ng rice all you can sa naging sexy! May patutunguhan ito kaibigan!

Comments

Popular Posts