Grad Pakain

The past weekend, dumalo ako sa dalawang kainan in celebration of my friends’ graduation. Masaya. Kulang na lang ay sayawan sa paligid ng posteng may grasa: ala palo sebo.

Hanga rin naman ako sa isang kaibigan na bagaman fresh grad na, ay pumapasok pa rin sa klase. Kumuha siya ng isa pang kurso sa sikolohiya. Special topics in psychology raw, kasama ang cyberspace.

Web cam. Maalala ko, sobra na atang negatibo ang konotasyon ‘pag narinig ng iba na may web cam ka. Naalala ko dati ang reaksyon ng kaibigan nang malaman niyang kabibili ko lang: nagtakip ng bibig sa pagkamangha at pabulong na itinanong ang “May web cam ka? Talaga?” Laganap daw kasi ang cybersex gamit ang naturang gadyet.

Babala: ‘Wag kukuha ng M.A. at Ph.D. in cybersex. Cybersex studies, pwede pa.

Lumabas na tayo sa cyberspace at magtungo sa tunay na mundo. Malapit sa simbahan namin, may malaking karatula kung saan nakapinta ng pula ang malalaking letra: TULI. Nagtitipid, imbes na CIRCUMCISION ang ilagay. Matatawa ka sa konsepto nila ng multi-tasking dahil katabi nito ang OB GYNE at nakapaskil sa pintuan: We also do ear piercing. Pare ‘wag ka, baka nagta-tato rin ang mga ‘yan.

Comments

Popular Posts