Stop Right Now, Thank You Very Much

Baka huminto na sa paninigarilyo ang tatay ko. Bakit? Either FG Arroyo served as an example, or it was Vic Sotto. The former had a heart problem (aortic aneurysm) and the latter... sinuko ang paninigarilyo para sa nilalaman ng kanyang puso: si Pia. =)

Si mama naman, baka huminto na sa pagkain ng sisig. “Nagsisi sa sisig” dahil nagka-LBM. Baka kumain na lang siya sa Via Pare, Mang Donald, o Jolli Me. And speaking of restaurants, sa huli naming kinainan, nakakatuwa’t may see-saw. Habang naghihintay ng order, naglaro muna ako. Sobrang saya ng pakiramdam dahil ‘di ko na maalala kung kailan ako huling nagpunta sa playground.

Titigil na rin siya sa pagbili ng mumurahing sandals dahil napigtasan siya habang namamasyal. Buti na lang walang tumawag sa kanya at nagsabing “Uy! Bawal ‘yan dito sa Marikina!” Dahil kinakaladkad ni Mama ang mga sapin sa paa at nahihiya, pinayuhan ko siyang tumingin sa itaas para gayahin ng ibang mga tao. Tuluyang ‘di mapapansin ang masaklap na pangyayari. Pagdating sa sasakyan, may extra shoes kaya diretso sa basurahan ang luma. Sabi namin ni Daddy, ‘di namin kilala si Inay. Ha ha ha.

Comments

Popular Posts