Rappel All You Want

Ito ang advice ko sa mga natatakot dahil first time nila sa rappelling tower: Nakakatakot lang ‘yan sa simula, kapag pinatalikod ka at inutusang mag-step back. But believe me, once nakuha mo na ang L position at natantsa ang sariling timbang para sa tamang pagluluwag ng hawak sa lubid, you can descend with grace! For breaks, higpitan ang hawak at ilagay ang “kamay pamuwersa” sa bandang spinal column. Ingatan lang na baka wala nang pader pero nagrarappel ka pa rin hanggang sumayad ang likod sa sahig. Bwahaha. I-maintain din ang perpendicularity sa wall kung ayaw mong ma-xerox ang mukha. Kung may kaaway ka sa mga kasabay mo, magvolunteer bilang belayer niya. Pare akong bahala sa ‘yo. Sabay isang mabangis na kindat.

Natawa na lang ang classmate ko kanina sa liksi naming kumilos paakyat ng tower. Parang may military operation lang daw. Aba, dapat ganyan din kaagap ang media practitioners kapag nasa emergency situations. Kaya nga kumuha ako ng Broad Comm elective titled “developing a participant journalist.”

Ivi-video ko sana si Meline habang nasa slide siya (similar sa cable cars ng Boom Na Boom, nakakapit ka lang sa bakal habang naka-sling; standard lang daw ang bilis nito kahit ano pa ang timbang mo, hindi rin depende sa weather). Recording na habang nagpi-prepare siya pero nang raragasa na, biglang tumigil ang mekanismo ng kamera niya. Spoiler tsong.

‘Yung mga waiting for their turn, naglalagay lang ng lubid sa leeg.

Popular Posts