Chatterbox

Kausap ko si Meline best friend at masabi ko lang na parang miting de avance sa kanila. Papaya kasi ang tugtog. Hard core pulong barangay. Pero bumawi rin naman nang sumunod sa playlist ang Upside Down na puwede mong ipang-testi sa guy friend. May mga nagsasabing panglasing ‘to, at parang sound engineer lang ang nagtataas ng pitch. Maliban sa Where Is The Love na nagsisimula sa “What’s wrong with the world mama?”, ito na nga ang theme song namin ng thesis partner ko. Pero wala pa ring tatalo sa Crazy Love na super laidback ang pagkakakanta. Tinatakot nga ako ni Meline na ilalagay niya raw ang media content na ito sa friendster ko.

Puro batikos na rin lang ang blog entry na ‘to, eh isasama ko na rin ang linya ni Marvin Agustin sa Marimar na hindi nakalampas sa mapanuri naming pag-iisip. Nang magtagpo si Rodolfo at Sergio sa bulwagan, tanong ng una: “Who’s this guy ba ha?” Gusto sana naming idugtong: This guy’s in love with you, pare. To think kasi na businessmen ang mga ito at asensado na, ha. Whatyathink, ha?

Popular Posts