Rumaraket

Noong bata pa ako, inakala kong masama ang raket. Parang mga miyembro lang ng sindikato at iba pang kawatan ang mahilig dito. Mga lalakeng dumudukot sa bulsa ng hapit na maong at mga babaeng siga kung umasta... Pero mali pala. Nakapagpapaangat pala ng kabuhayan ang raket. Basta kumikita, ika’y “rumaraket.”

Examples ng mga habulin ng raket: Kris, Manny, Gabby, Robin... at mga propesor.

Examples ng mga humahabol sa raket: Undertakers, construction workers, band members, mga direktor, editor, manunulat
Famous lines:
Pare, baka naman may raket ka diyan... Puwedeng sumabit?
Penge namang raket o...

Pasimuno: Punta ka sa bahay! May raket ako.
(Later)
Kaibigan: Buti tinawagan mo ‘ko kanina. Last money ko na ‘yung pamasahe papunta rito e...
Pasimuno: Ito na ‘yung raket. (Shows a badminton racket)
Kaibigan turned kaaway: (Haggard)

Examples ng mga very unlikely na raraket: doktor, sundalo, piloto, dean, CEO, surgeon
Ang awkward naman kasi kung:
Surgeon: Sige ha, nagmamadali ako e. May raket ako sa OR.
Sundalo: Bok, raket tayo sa Basilan.
CEO: I need those raket files by tonight. Is that clear?
Estudyante: Wala raw si dean e... rumaraket.

Ikaw... Gusto mo bang habulin ng raket?

Popular Posts