Unang Pasko sa NBN

I just love my NBN family! Despite our hectic schedules at agawan sa machine para sa preview and editing ng holiday episodes, our team still got to present our dance and rap number yesterday. Salamat sa black cocktail dresses ni Joanne, head dress ng teachers sa Rosa Susano Elementary School, paired with rubber shoes at naging makulay ang presentation. He he he. (Check me out in Friendster for some pix... at your own risk.)

Natatawa na lang ako sa mga nangyayari dahil last Thursday, napaka-workaholic ng dating namin ni Kuya Erwin. Seryoso kaming nagtatrabaho habang sa Operations (katabing kuwarto ng editing) may humahataw na sa videoke. Hindi tuloy naiwasan ni Kuya na sumigaw ng "Ilabas ang pulutan!" o kaya, "Psst, may natutulog!" or "Guard, May nakapasok!" Later still, habang tensyonado na ako dahil tapes ng 4 episodes ang tinatapos, may naririnig ako sa likod na "Paabot pa ng beer!" Very inspiring!

Kaya bumawi naman kami sa network Christmas party. Hindi ko alam kung dulot lang ng vodka ang lahat. Pero todo-bigay talaga ang sayaw namin kagabi. Ano nga ba'ng nangyari kagabi? He he he. Basta alam ko ibinuhos ko na lahat ng galit sa editor na kasayaw namin ni Juvy. Feeling ko nga ni-release ko lang lahat ng pressure. May editing pa kami this Sunday. Kaya ganoon na lang ang pagkabalisa ko tuwing makikitang naglalasing si Kuya Willie.

At habang nagpa-party, naisingit pa namin ni Jo ang paggawa ng sequence guide. Ha ha ha. 'Yan ang buhay sa telebisyon. Kaya pala ganoon na lang ang pagkaway ng mga tao 'pag roll credits na sa mga Christmas at New Year airing. Pero hindi rito nagtatapos ang lahat. Christmas party naman ng department sa Lunes! Yehey!

Popular Posts