Iskalawag

Lasing sa pagnanasa
Lango sa pangungulila
Sadlak sa hirap
Lunod sa pantasya
Hibang sa tanikala

Bilanggo ng kiliti
Bihag ng paghihiganti
Alipin ng pagtitimpi

Salot ay tinatangkilik
Nasasakdal ng pagkakataon
Nagdiriwang sa delubyo
Nag-aapoy sa panibugho

Basa sa tag-araw
Tigang sa tag-ulan
Peligrosong kapusukan
Resbak ng katotohanan
Biktima ng kapalaran
Salarin ng kabuktutan
Mata lang ang walang latay
Palyadong isipan
Baluktot na katwiran
Nagtitika sa piitan

Araw-gabi, nagpapakintab ng tsapa
Nananalangin sa huwad na propeta
Nabagansya sa iskinita.

Nakaratay sa kayamanan
Nagpapasasa sa banig ng karamdaman.

* Sa pakikipagtulungan kay Diwa, isang gabi sa UST Hospital

Popular Posts