My Birthday Week

Nagsimula sa isang simpleng hapunan noong June 10, Linggo (kasabay ng araw ng labang Pacquiao-Bradley), hanggang sa sorpresa ng ilang kasama sa trabaho kahapon... Naging masaya at makahulugan ang pagdiriwang ng ika-26 kong kaarawan.

Malayo man (o matrapik) ang biyahe, nakadayo pa rin sina Rap, Mai, RA, Meline, Diwa, Gianne, Juvy, Aira (na tumawid lang galing Taguig), at kuya Erwin. Todo-tanggi nga sa kanin, pero naparami naman sa matatamis si Aira. Habang kwentuhan tungkol sa trabaho sa hapag-kainan, si Rusell naman ang paksa ng usapan sa sala. Mula sa pagkagalit nito dahil sa Mung-Yo hanggang sa dalawang pisong dapat na maparte nang pantay matapos ang karoling noong high school pa kami.

Nagkataon namang nasa Legazpi pa si Russ kaya hiwalay ko na lang siyang kinatagpo sa Trinoma. Bukod sa pinaghintay niya ko ng dalawang oras, nag-aya siyang bumili muna ng pangregalo sa mga tatay namin ngayong Fathers' day... na agad ko namang pinahintulutan sa suhestiyong brief ang bibilhin namin. Habang Bench ang preferred brand ko, Hanford (discounted) naman sa Landmark ang sinadya niya. Mabilis man kaming nakapili, nagtagal na nang para sa sarili na ang binili ni Russ. Napakatagal pumili! Hindi lang ng brief kundi pati shirt (Large ba o XL, paulit-ulit niyang tanong habang labas-masok sa fitting room). Nakalimutan niya atang dapat e sini-celebrate namin ang birthday ko.

Sa wakas, nahatak ko rin siya sa Kamayan. At sa kasagsagan ng buffet ay pinag-usapan namin ang love life pati ng ibang mga tao. At hindi nakuntento, nag-aya pa siyang manlibre ako ng Yogurt.
Birthday dinner with Russ (June 13, 2012) and surprise cake from friends at Yell (June 16, 2012)
Ang moral lesson on love and relationships: Treat yourself well. (courtesy of Red Mango)

At ngayong 26 na 'ko, marami pang planong gawin at baguhin. Pero nangangakong mag-slow down, at mag-enjoy kung anong meron sa kasalukuyan. Mag-aral, magtrabaho, magmahal, magpahalaga, mangarap. Ang lagi kong ipinagpapasalamat: Ang mga kaibigang nandito pa rin bumilang man ng mga taon.

Popular Posts