We Heart Shoes and Wallets!

One True Love
Nasaksihan ko kung pa'no ma-in love si Pearl nang matagpuan niya ang mala-designer shoes sa Primadonna. Ang masaklap, at gaya ng lagi kong sinasabi kapag nakita mo na ang perfect design, color, and style... Walang size! Ito ang stages na pinagdaanan niya:

1. In denial: Baka meron talaga... (Saleslady: Tinignan na ho namin sa computer.) Baka nagkamali lang miss?
2. Sumimangot. Bitter. Tumingin sa ibang naka-display.
3. Nagtry ng iba. Nagsukat-sukat.
4. Bumalik sa unang nagustuhan na walang size. Pinilit kahit hindi kasya.
5. Deretsahan ko nang sinabihan: "Marami pa dyan Pearl." At sumagot ng "Iba talaga siya e."




Wise Buys
May punto si Meline nang sabihin niyang "Si wallet ka na naman! Kabibili mo ng wallet, wala ka nang malalagay sa wallet!" Pa'no naman, nahilig ako sa paghahanap, pagbubuklat, at pagbili ng wallet. Kaya lang, hindi ko pa rin binili ang mga nagustuhan sa mga brands gaya ng Charles and Keith at Mango na nagkakahalaga ng 2,000 pesos. Pinairal ang pagiging praktikal. Pero, 'di ko naman pinalampas ang 50% sale sa  XOXO kaya kinuha ko na ang wallet na dating nagkakahalaga ng 1,700.

Pero aba, magaganda ata ang designs ngayon ng What Women Want sa SM Department Stores. You can get ALL the items in this picture for only 1,800. Or choose among wallets ranging from 300-500. 'Di ba magandang pangregalo sa mga ninang? (Para makabawi ka naman sa kanila ngayong malaki ka na.)

Popular Posts