Ang Mundo ng Lider-Lideran at Sunud-Sunuran
Ang Pinoy, maraming words para sa MASAMA: Talipandas, walanghiya, tarantado, gago, salbahe, walang modo, ungas, etc. Pati NALOKO: nagancho, naisahan, nalamangan, naonse. Sa MALANDI: haliparot, kumekerengkeng, kumakalantare, malantod…bahala ka nang mag-isip.
Sa isang kalye raw sa Maynila, may karatulang ang nakasulat ay “Your taxes go here” sabay nakaturo sa manhole. Malas na taxpayer. Sana ‘pag umaapaw ang manhole tuwing may bagyo, bumabaha rin ng serbisyo. In other countries, officials serve the people and corrupt on the sides. Sa ‘tin, kurakot nang harap-harapan at paglilingkod paminsan-minsan.
Kaya lalong nagmimistulang airport ang Pilipinas. Yung mga nakapagtapos hot na hot nang umalis for greener pastures. Nagreact nanaman ang kaklaseng high blood: “Paalisin lahat ng ayaw maging Pilipino, bayaan mo silang maghanap ng damo sa ibang bansa (marijuana?).” Biruin mong sumagot si Mam Pearl ng “Sa’n tayo pupunta?”
Comments