Baho Bilang Penomenon
Namamangha ka ba sa mabilis na pagkalat ng kaduda-dudang amoy? Yung tipong nasa klase ang lahat at sasabihin ng titser: “Ano yun? Ang baho noh?” at medyo di nyo pa nalalanghap. Lalakihan mo ngayon ang butas ng ilong at maghihintay ng ilang segundo. Pagkaraan ay tutugon ka na rin ng “Oo nga! Yak!”
Muli naming binalikan ng isang kaibigan ang iba’t ibang expressions of disgust ng high school classmates namin. Ikaw rin, subukan mong alalahanin kung pa’no ka magreklamo pag masama na ang simoy ng hangin. Hanga ako sa iba, nakukuha pang tumawa at habulin ang hininga kahit suffocating na ang kapaligiran. Malas yung mga likas na malaki ang ilong, sobra ang nasasagap.
Ate Glow: (nasal) Ang baho, noh?
Laroza: (guttural) Anak ng baka…ang baho! (yuyuko)
Marlon: Shet pare ano yun?! Ang baho… (titingin papalayo)
Sir Gonzales: Ang baho (mabilis)…Roxy ikaw yun noh! Naghahasik ka nanaman ng lagim.
Mabagos: Amoy labanos ah!
Jenny: Ang baho ang baho (tuluy-tuloy)
Mary: (Tatawa lang, titingin nang masama kay Bagz.)
Marrian: Bes…ang baho kaya.
Ton: (Pang-asar, index finger lang ang itatakip sa ilong, kakampi si Joven, deep voice) Ang-ba-ho.
Meron ka bang nais paslangin? Bakit di mo dalhin sa mabahong lugar at saka mo gulatin. Panigurado, walang magagawa yun at shortage of breath ang magiging cause of death. Ngunit kaiingat kayo. Mabilis umatake ang karma. Baka maranasan mo na sa iyong pagdaan, may magko-comment: “Ang baho” at paglampas mo, “Ayan, wala na” at may pahabol pang “Uy, psst! Daan ka nga uli.”
Pero teka, di ko ata gusto ang nakasulat sa isang basurahan: Nabubulok. Tapos sa ilalim, CSSP. Nabubulok CSSP? Kawawa naman ang kolehiyong ito. Buti bumabawi ang katabi: Di-nabubulok CSSP. Sana taasan na ang pondo sa edukasyon para wala nang bulok.
Comments