Scripted
Itay: Anong ulam, Tocino? Ayoko nyan.
Inay: O anak, itabi mo na sa ref yan. Bukas uulamin natin uli.
Mary: Ang patriyarka nga naman oo. Itay! Ikaw ang salarin kung bakit ito nanaman kakainin ko bukas. Grrr...
Mag-aaral: (Tangan ang malaking backpack, bubulong) Klasmeyt...DVD DVD. Gusto mo ng DVD?
Mary: (Nasal voice)Dibede? Meron bang side ng em way em pe?
Beanie: Uy, imi-meet ko boypren mo.
Mary: Kami nga hindi nagmi-meet, hihirit ka pa dyan.
Rusell: Hoy alam mo ba, di makatarungang naging conduct awardee si Jerome nung elem kasi pag nakatalikod si Sir Dizu nagsusulat siya sa board ng “Gwapo ako.”
Mary: Rusell, ang gwapo mo.
Rusell: Yak! Ang alam ko lang kamukha ko si Vic Sotto.
Mary: Sabi ni Sir Renato, “Kung gwapo ka na, bigyan mo na lang ng chance na makapag-aral yung mga panget.”
(Tutunog ang cell. Si Levin pala ang nagtext.)
Levin: Isang araw, may mabait na batang nagkwento ng bitin.
Mary: (Magrereply)Isang araw, may mabait, sexy, at magandang batang nainis sa
kwentong bitin.
Sa stretching room, naghihintay ang mga estudyante. Mamamataan ang propesorang paparating.
Klasmeyt: (Nakasimangot habang nakatingin sa gurong medyo chubby) Ganyan ang kalalabasan natin pagkatapos nitong sem?
Mary: Hmmm…may iniisip lang ako: Bakit manananggal ang tawag natin dun sa aswang? Dahil nagtatanggal ng fetus?
Klasmeyt: Baka dahil natatanggal yung kalahating katawan.
Mary: Kung ganon, bakit hindi na lang “natanggal” o “matatanggal”?
Comments